dzme1530.ph

Mga sumukong miyembro ng NPA, binigyan ng bahay ng gobyerno

Pormal na pinasinayaan ang 17 bagong natapos na housing units para sa mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Del Pilar, Cabadbaran City.

Ito ang pabahay ng National Housing Authority sa Caraga Region (NHA-13) at ng pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Norte.

Nagkakahalaga ng P450,000 ang mga bagong bahay na may laking 36 square meter (sq. m.) floor area at haba na 80 sqm. kung saan mayroon nang kwarto, kusina, dining area, palikuran, paliguan at garahe.

Ang pagkakaloob ng mga housing unit ay bahagi ng proyekto ng NHA para sa mga dating rebelde sa ilalim ng Task Force Balik Loob ng gobyerno.

Kasalukuyan mayroon pang halos 34 pang mga housing unit ang itinatayo sa lugar. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author