Itinalaga ng New York government si Kathleen Corradi bilang kauna-unahang “rat czar” at magsisilbing “citywide director of rodent mitigation.”
Trabaho ni Corradi na bawasan ang populasyon ng daga sa lungsod.
Lumabas sa datos ng New York na sa nakalipas na mga taon ay lumalala na ang naidudulot na problema ng mga daga dahil sa pagdami ng sidewalk dining.
Nagkasa na rin ng mga programa si NY Mayor Eric Adams kontra sa mga daga, gaya ng limitasyon kung ilang oras lang dapat tumagal ang mga basurahan sa mga kalsada at composting program para mabawasan ang mga itinatapon na pagkain. —sa panulat ni Jam Tarrayo