dzme1530.ph

Presyo ng modern jeep, pinapababaan ni Salceda

Humiling si House ways and means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ibaba sa P600,000 hanggang P1 million ang presyo ng modern jeepney sa halip na sa P2 million.

Ayon kay Salceda, maaaring mapababa ang presyo kung local manufacturers ang gagawa ng modernong jeep.

Binigyang diin pa ni Salceda, na hindi kakayanin ng mga jeepney driver at operators ang sobrang mahal na unit.

Kung hindi aniya bibigyan ng subsidy ng pamahalaan ang mga jeepney driver sa bibilhing bagong unit, ay aabutin ng 22 taon bago mabawi ang investment sa isang unit.

Samantala, suportado naman ng LandBank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) ang apela ni Salceda. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author