Nakatakdang rumampa mamaya ang mga miyembro ng LGBTQ+ community sa pagdiriwang ng “Bekshie ng Maynila” bilang bahagi ng Summer Pride 2023 ngayong Sabado, Abril 15.
Naglabas ng abiso ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) kaugnay sa ruta ng parada kung saan magsisimula ito sa Arroceros Forest Park; pagkatapos ay diretso sa Antonio Villegas St.; kaliwa sa Natividad Lopez St.; diresto sa San Marcelino St.; kanan sa Ayala Boulevard; kanan sa Taft Avenue; kanan sa Antonio Villegas St.; kaliwa sa Cecilia Munoz St.; hanggang makarating sa Bonifacio Shrine.
Mag-uumpisa ang nasabing parada alas-4:00 ng hapon at magkakaroon din ng konsiyerto kung saan tampok ang iba’t ibang artista.
Matatandaang ang “Bekshie ng Maynila” ay nagsimula noong 2019 sa pangunguna ni dating Manila Mayor Isko Moreno.
Target nito sa ipagdiwang ang ating mga kababayang miyembro ng LGBTQIA+ organization, at para maisulong ang “equality, inclusivity” at iba pa. —sa panulat ni Jam Tarrayo