Nangangamba ang kampo ni Cong. Arnolfo Teves Jr. sa posibilidad ng kangaroo court o witch hunt sa oras na maisampa ang reklamo laban sa mambabatas.
Ayon sa abugado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, ang ginagawang mga pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay makakaapekto sa gagawing pagdinig ng mga prosecutor sa oras na magsampa na ng reklamo kontra kay Teves.
Aniya, paano sila makakakuha ng patas na pagdinig kung ang mismong pinuno ng ahensya na dumidinig sa reklamo ay direktang nagpapahayag ng pagkakasangkot ni Teves sa Degamo slay.
Umaasa si Topacio na sa oras na matapos ang hearing sa senado hinggil sa nabanggit na krimen ay maisabatas o mapagbawalan ang pinuno ng DOJ na magsalita hinggil sa mga reklamong didinggin o dinidinig pa lamang. —sa ulat ni Felix Laban