Nag-courtesy visit kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio Abu, sa National Headquarters Port Area, Manila, kahapon si United States Coast Guard (USCG) Pacific Area Commander, Vice Admiral Andrew Tiongson.
Si Vice Admiral Tiongson ay nagsisilbing Operational Commander para sa lahat ng mga misyon ng Coast Guard pa-kanluran mula sa mabatong kabundukan sa buong Indo-Pacific, Arctic, at Antarctic region hanggang sa baybayin ng silangang Africa.
Sa pagpupulong, tinalakay ng mga opisyal ang patuloy na shoreline at offshore oil spill response operations sa mga apektadong lugar.
Pinuri naman ni Vice Admiral Tiongson ang pagsisikap ng PCG sa oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro at sa sunog sa MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan.
Dumalo rin sa pulong sina PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr; PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan, at iba pang opisyal ng PCG at USCG. —sa ulat ni Felix Laban