Umabot na sa mahigit 178,300 na indibidwal o mahigit 37,800 na pamilya ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro na kumalat na rin sa mga katabing isla.
Sa Oil Spill Incident Report no. 51 ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nakasaad na ang mga apektado ay nagmula sa 187 barangay.
Sa kabila nito, sinabi ng DSWD na nakauwi na sa kanilang mga bahay ang lahat ng lumikas sa evacuation centers.
Nailabas na rin ang mahigit P100.4-M na halaga ng humanitarian assistance mula sa DSWD, local gov’t units, non-gov’t organizations, at iba pang grupo.
Ang oil spill ay nagmula sa lumubog na MT Princess Empress, at bukod sa Oriental Mindoro ay naapektuhan din ang Antique, Batangas, at Palawan.