![]()
Muling itinanggi ng Malacañang na magkakaroon ng rigodon o revamp sa hanay ng mga Cabinet Secretary.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, isusumite na rin ng Malacañang sa Commission on Appointments ang pangalan ng mga appointees na isasalang sa confirmation hearing.
Gayunman, sinabi ni Castro na pinag-aaralan na nila ang records ni Department of Environment and Natural Resources Raphael Lotilla.
Ito ay makaraang sabihin ni Senate President Vicente Tito Sotto iii na sa pagharap ni Lotilla ay kailangan nang magdesisyon ng Commission on Appointments kung ikukumpirma o ibabasura ang pagtatalaga sa kanya.
Una nang lumabas ang impormasyon na posibleng palitan si lotilla ni DENR Undersecretary Mitch Cuna.
Nauna na rin pinuna ng ilang Senador ang pananatili ng ilang cabinet members bilang acting officials at hindi pa rin pagsalang sa Commission on Appointments.
