![]()
Siyam mula sa labing isang labi na narekober mula sa isinagawang search operations ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 RoRo Ferry ang naiuwi na ng kanilang kaanak.
Sa report ng basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), apat na labi ang ibiniyahe patungong sulu at limang iba pa sa iba’t ibang destinasyon sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang dalawang natitirang iba pa ay hindi pa nare-retrieve ng kanilang pamilya.
Kahapon ay umakyat na sa 29 ang bilang ng mga nasawi sa trahedya matapos marekober ang katawan ng labing-isang iba pa sa search operations.
January 26 nang lumubog ang M/V Trisha Kerstin 3 sa katubigan ng Pilas Island sa Basilan.
