![]()
POSIBLENG palitan ng Senado ang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Tito Sotto III subalit tumangging tukuyin ang dahilan.
May impormasyon naman na posibleng ang pananahimik ni Senador Imee Marcos sa pagkondena sa pagbatikos ng mga opisyal ng Chinese Embassy sa mga opisyal ng gobyerno na lumalaban sa soberanya ng bansa ang dahilan ng posibleng pagpapalit sa kanya sa kumite.
Posible umanong ibigay ang chairmanship sa kumite kay Senador Erwin Tulfo na miyembro ng Senate Majority bloc.
Una nang nananawagan si Marcos sa mga opisyal ng pamahalaan na nakikipagsagutan sa mga Chinese Embassy na mag hinay-hinay.
Sinabi ni Marcos na maaaring makasira sa ugnayang diplomatiko at imahe ng Pilipinas ang pakikipagsagutan ng ilang opisyal ng ating pamahalaan.
