dzme1530.ph

PANANAW NG MARAMING PINOY SA PAGTATANGGOL SA TERITORYO NG BANSA, TUGMA SA STAND NG MALAKANYANG

Loading

Kinilala ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V, ang lumabas na resulta sa tugon ng masa survey ng Octa Research ukol sa pananaw ng mga Pilipino sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Ortega, tugma ang December 3 to 11 face-to-face survey ng octa Research sa stand ni Pang. Bongbong Marcos Jr. na ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa nationawide survey lumitaw na 13% lamang ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa China, samantalang 60% ang walang tiwala, habang may 26% na undecided.

Sa survey ding ito, 79% ng mga filipino ay tinitingnan ang china bilang “greatest external treat” sa Pilipinas, tumaas pa kumpara sa 74% noong July 2025.

Ayon kay Ortega, tumutugma ang resulta ng survey sa mismong ginagawa ni Pang. Marcos, na ipinagtatanggol ang teritoryo base sa rule of law at diplomacy.

About The Author