![]()
Kinumpirma ni 4Ps Party List Rep. JC Abalos na pinadalahan na ng notice si suspended Cavite 4th Dist. Rep. Francisco “Meow Meow” Barzaga hinggil sa gaganaping pagdinig.
Nagtakda ng hearing sa susunod na linggo ang House Committee on Ethics and Privileges at pinahaharap ang kongresista.
Sa plenary session noong Martes inaprubahan ang isang mosyon para isalang muli si Barzaga sa Ethics investigation dahil sa mga post nito sa social media.
Sinabi ni Abalos na ia-assess nila ang mga inirereklamong post ni Barzaga gaya ng akusasyong bribery sa NUP legislators ni Enrique Razon, at pambabastos nito sa namayapang si Cong. Romeo Acop.
Ano man aniya ang maging rekumendasyon ng Ethics panel, isusumite ito sa plenaryo para pagbotohan.
