![]()
Sinimulan ng ipatupad ng Department of Health Bureau of Quarantine (DOH-BOQ) ang mahigpit na health protocols.
Kabilang dito ang pag-screen sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang entry points, sa gitna ng Nipah virus outbreak sa India.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na lahat ng airports ay binabantayan round the clock, anuman ang makitang sintomas ng impeksyon sa mga dumarating na pasahero.
Idinagdag ni Domingo na consistent ang health protocols ng bansa sa standards ng World Health Organization, at nagpapamahagi ang DOH-BOQ ng information materials tungkol sa Nipah virus sa lahat ng entry points.
