![]()
Pormal ng tinanggap ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. ang kanyang fourth star, na pinakamataas na ranggo sa Police Force bilang Police General.
Nanumpa si Nartatez bilang bagong pinuno ng PNP, sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang seremonya sa Malakanyang.
Bago nailipat kay Nartatez, hawak ni dating PNP Chief Nicolas Torre III ang four-star rank.
Naresolba ng transition ang ilang buwang sitwasyon kung saan patuloy na hawak ni Torre ang four-star rank, sa kabila ng pag-alis sa kanya bilang PNP Chief at pinalitan ni Nartatez noong August 2025.
Isa sa mga dahilan ng pag-alis kay Torre bilang PNP Chief ay ang pagsuway nito sa utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa reassignment ng Key Officials.
December 2025 naman nang manumpa si Torre bilang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
