dzme1530.ph

P15-M public market ng Bayombong, Nueva Vizcaya, nakumpleto na

Nakumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang multi-purpose building project na sumusuporta sa maliliit na independiyenteng negosyo sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya Province.

Sa naging pahayag ni DPWH Region 2 Director Reynaldo Alconcel kay Secretary Manuel Bonoan at Undersecretary for Regional Operations Eugenio Pipo, Jr. na ang ₱15-M public market building ay tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad para sa iba’t ibang produkto tulad ng mga naipro-produce na karne, isda, dairy products, baked goods, kape, pampalasa, at iba’t ibang mga domestic specialty.

Anya, ito ay may mga amenity gaya ng mga modernong banyo, sapat na espasyo sa paradahan, at maluwag na lugar para sa mga vendor at customer.

Ang merkado ay mayroon ding itinalagang lugar para sa kainan at communal seating, na nag-bibigay ng komportable at nakaka-engganyong kapaligiran para sa mga customer.

Ayon kay DPWH Nueva Vizcaya 1st – District Engineer Marifel Andes, ang bagong merkado ay naghikayat ng madaming mga independiyenteng negosyo, at lumikha ng mga trabaho na kailangan upang palakasin ang lokal na ekonomiya. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author