![]()
PINAMAMADALI na nina Senador Erwin Tulfo at Senador Sherwin Gatchalian sa mga ahenssya ng gobyerno ang pagsasapinal ng mga guidelines para sa implementasyon ng Anti-Epal provision sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.
Ang probisyon ay kaugnay sa pagbabawal sa mga elected officials na makialam o dumalo sa anumang pamamahagi ng ayuda o financial assistance ng pamahalaan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Social Justice, binigyang-diin ni Tulfo na malapit na rin ang Barangay at SK election at dapat maipatupad na agad ang anti epal provision para hindi maabuso ang pamimigay ng mga cash assistance, gaya ng AICS at SLP.
Posible anyang magamit ng mga kakandidato ang distribusyon ng mga ayuda para sa halalan.
Ipinaalala ni Gatchalian na kailangang bumalangkas ng mga mandatory requirement, protocols at reporting mechanism para sa pagpapatupad ng anti-epal provision.
Ayon sa DSWD, may nabuo na silang guidelines at for review na ito.
Sinabi naman DILG, nasa proseso na sila ng pakikipag-ugnayan sa mga concernened bureau para sa paglalabas ng memo circular tungkol dito.
