![]()
Humihingi ng katarungan at pananagutan ang ilang Kongresista ng Mindanao, matapos ang nangyaring trahedya sa karagatan na kina-sangkutan ng RoRo Vessel MV Trisha Kerstin 3.
Magkakasunod na nagtalumpati sina Sulu Cong. Samier Tan, Basilan Cong. Yusop Alano, at Kusug Tausog Party List Rep. Aiman Tan, at lahat sila ay sumisigaw ng pananagutan.
Itinuro ni Cong. Samier Tan si Zamboanga City Mayor Adan Olasco bilang “part owner” ng Aleson Shipping Lines na may-ari ng lumubog na RoRo Vessel.
Ayon kay Tan, ilang barko na ng Aleson Shipping Lines na bumibiyahe sa iba’t ibang lugar sa Mindanao ang nasangkot sa aksidente.
Ayon naman kay Cong. Yusop, sa nagdaang isang dekada, tatlong (3) barko ng kumpanyang ito ang nasangkot sa magkakaibang aksidente.
Noong 2016, lumubog umano ang mv Danica Joy 2. noong 2023 naman, nasunog ang isa pa nitong barko, ang Lady Mary 3, kung saan namatay ang 31 katao. ngayong 2026, ang MV Trisha Kerstin 3 naman at 18 ang kumpirmadong namatay.
Iminungkahi naman ni Kusug Tausog Rep. Aiman Tan ang “full independent investigation” para malaman ang kapabayaan ng shipping lines, o kawalan ng aksyon ng Philippine Coast Guard, port authorities, at iba pa.
