dzme1530.ph

PAGPAPATAWAG KAY PANGULONG FERDINAND MARCOS JR. BILANG RESPONDENT, DEPENDE SA TATAKBUHIN NG IMPEACHMENT HEARING

Loading

Wala pang iimbitahang complainants, testigo at respondent ang unang araw ng pagdinig sa impeachment complaint ang house Committee on Justice. 

 

Ito ang sinabi ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairperson ng House Committee on Justice na siyang didinig sa impeachment complaint na kinakaharap ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. 

 

Sa susunod na linggo o February 2 itinakda ni Luistro ang unang hearing para sa consolidation ng dalawang reklamo. 

 

Naka-depende rin sa tatakbuhin ng impeachment hearing kung aabot sa pagpapatawag kay Pangulong Marcos bilang respondent. 

 

Kaugnay nito, nilinaw na rin ni Luistro na wala nang pwedeng humabol sa impeachment complaint laban sa Pangulo, dahil umiiral na ang one-year bar rule matapos i-refer kagabi sa kanyang komite ang dalawang verified impeachment complaint.

About The Author