![]()
Patuloy ang effusive eruption ng Mayon Volcano sa Albay sa nakalipas na dalawampu’t isang sunod na araw.
Ayon sa PHIVOLCS, lumikha ito ng sobrang liwanag na lava flows, rockfall, at pyroclastic density currents o “uson.”
Sa social media post, ibinahagi ng ahensya ang mga litrato ng bulkan na nakunan sa pagitan ng 8:15 pm hanggang 8:17 pm kagabi, kung saan makikita ang incandescent lava flow at pagdausdos ng uson.
Partikular itong naobserbahan sa Mi-isi (south), Bonga (southeast) at Basud (east) gullies.
Ibinahagi rin ng PHIVOLCS ang time-lapse video ng effusive eruption mula 8:01 pm hanggang 8:08 pm.
