![]()
Personal na dumalo si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa unang hearing ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms para pag-usapan ang Anti-Political Dynasty measures.
Si Dy ay author ng House Bill No. 6771 kasama si House Majority Leader Sandro Marcos, isa sa labing siyam na panukala hinggil sa anti-political dynasty.
Pinasalamatan nito ang mga constitutional experts at resource persons mula sa civil society, media at iba pa na inanyayahan para magsilbing resouce speaker.
Binigyan diin ni Dy na hindi lamang sila kundi maging si Pang. Bongbong Mrcos Jr. ay itinutulak ang pagsasabatas nito.
Aminado ang House leader na halos 40-years na ang Saligang Batas, subalit hanggan ngayon ay wala pa ring enabling law para sa anti-political dynasty.
Tiniyak naman nito na ngayong 20th Congress, ipapasa nila ang isang anti dynasty measure na tapat, may malasakit sa bayan, sa kinabukasan ng bansa, katanggap-tanggap sa mga Pilipino at kapwa lingkod-bayan.
