![]()
Pormal na isinumite ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II sa Kamara De Representantes ang “final report” hinggil sa National Education and Workforce Development Plan para sa 2026 hanggang 2035.
Ang submission ay pinangunahan nina EDCOM II Co-Chairperson Rep. Jude Acidre, Rep. Roman Romulo, at Commissioners Reps. Steve Solon, Zia Alonto Adiong, at Anna Tuazon.
Ang report ay naglalaman ng mga findings sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa bansa, at ng ten-year national plan ng kamara.
Aminado si Acidre, Chairman Ng Committee on Higher and Technical Education Panel, na malalim ang problema sa edukasyon, subalit magagawa itong ayusin.
Aniya, hindi lamang inaral ng EDCOM II ang mga problema, kundi isasabatas din ang mga solusyon.
Sa talumpati rin ni House Speaker Faustino Bojie Dy III, tiniyak nito ang buong suporta sa pagbalangkas ng mga solusyon alinsunod sa tatlong taong pag-aaral at pananaliksik ng EDCOM II.
