![]()
All systems go na ang International Criminal Court para sa confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinakda ang pagdinig sa February 23 matapos ang ruling ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na ‘fit to take part’ ang dating pangulo sa hearing.
Ayon kay Atty. Gilbert Andres, isang ICC-listed lawyer na kumakatawan sa ilang biktima, mahalaga ang confirmation of charges dahil dito papatunayan ng prosecutor na dapat ituloy ito sa trial.
Sa hearing anya ay kailangang magpakita ang prosecutor ng mga ebidensya upang magtuloy ang paglilitis.
Ipinagharap ng ICC prosecutors ng tatlong counts ng crime against humanity dahil sa umano’y involvement sa 76 murders bilang bahagi ng war on drugs.
