![]()
Nilinaw ng Philippine Coast Guard na 344 ang wastong bilang ng mga sakay ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos tukuying 15 sa mga pasahero sa manifesto ay hindi sumampa ng barko.
Sa panayam ngayong araw, sinabi ni PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab na ginagawa ang manifest reconciliation upang maiwasan ang kalituhan sa bilang ng rescued, casualties at missing.
Sa ngayon, 316 ang na-rescue, 18 ang nasawi, at 10 ang hinahanap sa nagpapatuloy na search and rescue operations ng joint SAR team.
Patuloy ang validation at monitoring sa lugar.
