dzme1530.ph

PHP40,840,800.00. HALAGA NG SHABU NASABAT SA ISANG PASAHERONG AFRICAN NATIONAL SA NAIA TERMINAL 3

Loading

Arestado ang isang pasaherong Foreign National matapos makuhanan ng illegal na droga sa kanyang check-in luggage sa Ninoy Aquino International Airport NAIA Terminal 3.

 

Sa initial na impormasyon dumating ang pasaherong senior citizen na African National na kinilalang si Ralph, 64 years old sakay ng Cathay Pacific Airlines Flight CX 748 mula South Africa na may connecting flight patungong Hong Kong to Manila.

 

Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang higit anim na kilong illegal drugs sa loob ng bagahe ng dayuhan nang isagawa ang physical examination dahil sa kahina-hinalang imahe ng laman sa kanyang bagahe.

 

Nang buksan ang naturang bagahe tumambad sa mga operatiba ang  6,006 grams na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit sa PhP40,840,800.00.

 

Ang mga nasamsam na illegal drugs ay nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nasa kanila narin ang kustodiya ng nasabing pasahero para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

About The Author