![]()
Nakamit na ng Commission on Elections ang target nitong 1.4 million new voters na ma-irehistro sa isinasagawang registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa datos, kabilang sa mga bagong registrants ang 776,373 na mga babae at 691,855 na mga lalaki.
Kasama sa mga nag-parehistro ang 1.13 million regular voters o ang mga may edad 18 years old pataas at ang 354,810 na Sangguniang Kabataan o mga 15 to 17 years old.
Pinakamaraming registrants ang naitala sa Region 4A o CALABARZON sinundan ng Central Luzon at National Capital Region.
Muling umarangkada ang voter registration noong October 20, 2025 at tatagal hanggang May 18, 2026.
