![]()
Ihahalo na sa general population sa New Quezon City Jail Male Dormitory si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., matapos ang pitong araw na medical quarantine.
Ayon kay BJMP Spokesman Jail Superintendent Jayrex Bustinera, ngayong araw na ito ay ililipat ang dating mambabatas sa kanyang cell assignment matapos ang security, medical at classification assessment sa kanya.
Bukod kay Revilla, ililipat na rin sa general population sina dating DPWH Engineers Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at Arjay Domasig kasama ang accountant na si Juanito Mendoza.
Nilinaw naman ng BJMP na hindi makakasama sa selda ni Revilla ang mga dating DPWH Engineers batay na rin sa kanyang kahilingan.
Kasabay nito, tiniyak ni Bustinera na handa pa rin silang mag-accommodate ng iba pang sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Sa ngayon, mayroong 14 na detention cell ang bakante sa New Quezon City Jail Male Dormitory.
