![]()
Ganap ng na-refer ng plenary sa House Committee on Justice ang dalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ala sais trenta ng gabi ng basahin sa plenary ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang referral ng unang impeachment complaint ni Atty. Andre De Jesus, na inindorso ni Cong. Jermie Jett Nisay ng Pusong Pinoy Party List.
Kasunod na binasa ang ikalawang complaint kung saan mga dating mambabatas ang complainant, kasama sina former representatives Liza Maza, Teddy Casino, Atty. Neri Colmenares, at Renato Reyes.
Naging endorser naman ng 2nd impeachment complaint sina Reps. Antonio Tinio, Sarah Jane Elago at Renee Co, na pawang kabilang sa Makabayan bloc sa Kamara.
Dahil sa referral, deemed initiated na ang impeachment complaints na ang ibig sabihin ay nagsimula na ang one-year ban sa paghahain ng iba pang impeachment complaint.
