![]()
Nagsagawa ng simulation exercise ang PNP Aviation Security Group sa isang insidente ng pamamaril sa NAIA Terminal 1, Parking B, Pasay City.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang paghahanda at koordinasyon sa panahon ng emergency, at masuri ang kahandaan ng mga tauhan ng AVSEGROUP at iba pang mga awtoridad sa paliparan para sa mga banta ng seguridad.
Ang exercise ay inobserbahan ng mga kinatawan mula sa NNIC, CAAP, at OTS, kasama ang AVSEGROUP Deputy Director for Operations para matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagtugon sa panahon ng emergency.
