![]()
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na tinanggap na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang optional retirement mula sa Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos ang naging pahayag ni Torre kahapon na wala siyang pinipirmahan na kahit anong optional retirement documents.
Ayon kay Castro, makatatanggap si Torre ng full benefits katumbas ng isang four-star general dahil sa posisyon na hinawakan nito.
Dagdag pa ng Palace Official, handa si Torre na ilipat ang four-star rank kay acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at nalinaw na ang lahat ng hindi pagkakaunawaan sa kaniyang retirement status.
