![]()
Ito ang naging mensahe ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa mga taong nagnanais siyang mawala sa posisyon.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng malakanyang na sumailalim ang pangulo sa medical observation.
Sinabi ng pangulo na hindi life-threatening ang kanyang naging kondisyon at ‘highly exaggerated’ ang bali-balita ng kanyang pagpanaw.
Ipinaliwanag ng punong ehekutibo na nagkaroon siya ng diverticulitis na karaniwang nararanasan ng mga taong stress at nagkakaedad na.
Sa kabila nito, aminado si PBBM na kahit pinayuhan siya ng doktor na maghinay-hinay sa trabaho ay imposible niya itong gawin sa dami ng dapat na ayusin.
Ang diverticulitis, ayon sa mayo clinic, ay pamamaga ng supot sa bahagi ng malaking bituka.
