dzme1530.ph

PBBM, IGINIIT NA WALANG NILABAG NA BATAS SA GITNA NG IMPEACHMENT COMPLAINT NA KANIYANG NATATANGGAP!

Loading

Iginiit muli ng malakanyang na handang harapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang impeachment complaint na ibinabato sa kaniya.

Ayon kay palace press officer at PCO. Usec. Atty. Claire Castro, walang nilalabag na batas ang pangulo kaya’t hindi ito takot para hindi harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Aniya, dapat ang lahat ng mga akusasyon na inilagay ng complainant sa kanilang reklamo ay masusuportahan ng mga ebidensya dahil kung hindi, ito’y gawa-gawa lamang o guni-guni lamang ng kanilang isipan.

Hindi naman tinanggap ng Office Of The House Secretary General ang pangalawang impeachment complaint na isinampa ngayon ng Makabayan bloc ngayong araw dahil wala si House Sec. Gen. Atty. Cheloy Garafil sa Pilipinas.

About The Author