dzme1530.ph

DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, MULING IIMBITAHAN SA PAGDINIG NG SENADO SA FLOOD CONTROL MESS

Loading

KINUMPIRMA ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na muling iimbitahan sa susunod na pagdinig si dating Speaker Martin Romualdez.

 

Posible rin anyang paharapin anng isang kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC), upang magbigay-linaw sa pagbili ng isang bahay at lupa sa South Forbes Park sa Makati City noong 2023.

 

Ipinapakita anya sa mga rekord na ang nakabili ng bahay ay ang Golden Pheasant Holdings Corp., kung saan ang pangunahing stockholder ay si Jose Raulito Paras. 

 

Si Paras ay humawak ng matataas na posisyon sa sa tatlong kumpanyang konektado sa dating Speaker.

 

Iimbitahan din anya si Paras sa susunod na pagdinig upang maipaliwanag niya ang kanyang kakayahang makabili ng bahay, na naiulat na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 bilyon.

About The Author