dzme1530.ph

SEN GATCHALIAN, NANINIWALANG SINISINDIKATO ANG SENIOR HIGH SCHOOL VOUCHER SYSTEM

Loading

MALAKI ang posibilidad na may sindikatong nangangasiwa sa pang-aabuso sa paggamit ng senior high school voucher system kaya’t nakakalusot ang mga ghost students.

 

Ito ang paniniwala ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian matapos na hindi pa rin masolusyunan ang problema sa ghost students.

 

Kahapon ay ginisa ni Gatchalian si Atty. Tara Rama, Project Manager ng Government Assistance and Subsidies Service ng DepEd sa hindi pa rin natutupad na pangako dalawang taon na ang nakalilipas.

 

Sinabi ni Gatchalian na hangga’t hindi nailalabas ang bagong polisiya sa voucher system ay hindi matatapos ang problema sa ghost students.

 

Muling ipinaalala ng senador na ang voucher system ay naglalayong tulungan ang mga estudyanteng hirap sa buhay subalit sa ngayon ay may mga mayayamang nakakalusot at nakikinabang sa programa.

 

Katunayan anya umaabot sa P12 billion ang nadetect nilang leaks sa programa na napuntan sa non-poor.

 

Kasabay nito, nagbanta si Gatchalian na kung hindi pa rin mailalabas ang polisiya ay maaari silang maghain ng kaso o maihold ang pondo para sa programa.

About The Author