![]()
Naka-detain na si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Bagong Quezon City Jail male dormitory sa Payatas matapos ipag-utos ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang temporary detention.
Pagkatapos kuhanan ng mugshot at sumailalim sa booking procedure, binigyan si Revilla ng kulay dilaw na BJMP t-shirt na katulad ng sa iba pang Persons Deprived of Liberty (PDLS) na obligado nilang isuot sa loob ng pasilidad.
Sa mga susunod na araw ay mananatili ang dating senador sa loob ng 47-square meter facility na mayroong limang bunk beds at kayang mag-accommodate ng hanggang sampung PDLS.
Una nang tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang ibibigay na special treatment kay Revilla.
