dzme1530.ph

DOJ, HINIMOK NA PAG-ARALAN ANG PAGPAPALABAS NG LEGISLATIVE WARRANT LABAN KAY DATING CONG ZALDY CO

Loading

UMAPELA si Senate President Vicente Sotto III sa Department of Justice na ikunsidera ang posibilidad na maglabas ng legislative warrant laban kay dating Congressman Zaldy Co.

Una nang naglabas ng show-cause order ang Senate Blue Ribbon Committee laban kay Co dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ng kahapon. Sa utos ng kumite, pinagpapaliwanag si Co kung bakit hindi nakadalo at kung hindi maging katanggap tanggap ang kanyang paliwanag ay saka maglalabas ang Senado ang arrest warrant laban sa dating kongresista.

Inalam ni Sotto sa DOJ ang posibilidad na mapauwi ng Pilipinas si Co sa pamamagitan ng legislative warrant kung ito ay nasa bansang miyembro ng inter-aprliamentary union (IPU).

Ipinaliwanag naman ni Prosecutor General Richard Fadullon, pag-aaralan nila ang posibilidad na ito sa halip na dumaan sa mas mabusising proseso ng extradition.

About The Author