dzme1530.ph

MAHIGIT 300 PALAY PROCESSING CENTERS, TARGET ITAYO NG PAMAHALAAN NGAYONG TAON

MAHIGIT 300 PALAY PROCESSING CENTERS, TARGET ITAYO NG PAMAHALAAN NGAYONG TAON

Loading

Magtatayo ang pamahalaan ng mahigit tatlundaang palay processing centers sa buong bansa ngayong taon upang mapagbuti ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

 

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan nito ay mapagaganda ang post-harvest infrastructure, mababawasan ang lugi ng mga magsasaka, at mapalalakas ang national food security.

 

Umaasa ang Pangulo na wala nang makikitang mga magsasaka na  nagpapatuyo ng palay sa mga kalsada at sinasagasaan ng mga dumadaang truck.

 

Idinagdag ni Marcos na ginagawa ng moderno ng pamahalaan ang buong agricultural system sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka ng mga makinarya, kinakailangang inputs, pati na crop insurance upang mabawasan ang dalang peligro ng mga kalamidad.

About The Author