dzme1530.ph

DATING DPWH SEC BONOAN, MARAMING DAPAT IPALIWANAG SA PAGDINIG NG SENADO SA FLOOD CONTROL PROJECTS

Loading

Maraming dapat ipaliwanag si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng mga sinasabing anomalya sa flood control projects.

Ito ang iginiit ni Senate President Vicente Tito Sotto III kasabay ng paggiit na umaasa siyang dadalo si Bonoan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw na ito.

Kasunod ito ng ulat ng Bureau of Immigration na bumalik na sa  bansa  si Bonoan, matapos siyang mag overstay sa Estados Unidos.

Sinabi ni Sotto na isa si Bonoan sa inisyuhan nila ng subpoena kaya’t kung hindi siya dadalo ay maaari na siyang ipacontempt at isyuhan ng  warrant of arrest ng Senado.

Una rito isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na niloko ni Bonoan si Pangulong Bongbong Marcos makaraang  sinadya nito na magsumite ng maling grid coordinates para mapagtakpan o i-cover up ang mga flood control anomalies

About The Author