dzme1530.ph

APAT NA DATING PNP OFFICERS, INIIMBESTIGAHAN DAHIL SA KAUGNAYAN KAY ATONG ANG

APAT NA DATING PNP OFFICERS, INIIMBESTIGAHAN DAHIL SA KAUGNAYAN KAY ATONG ANG

Loading

Apat na retiradong heneral ng Philippine National Police ang iniimbestigahan ngayon dahil sa koneksyon sa puganteng negosyante na si Atong Ang. 

Ito ang kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla kasabay ng babala sa mga dating opisyal ng PNP na posible silang maharap sa kasong kriminal at matanggalan ng pension kung tutulungan ang nagtatagong si Ang.

Tumanggi naman muna ang opisyal na pangalanan ang apat na dating heneral na natuklasang malalapit kay Ang. 

Aminado si Remulla na may access sa law enforcement personnel si Ang dahil karamihan sa kanyang mga bodyguards ay nagmula sa PNP at National Bureau of Investigation.

Sinabi ng kalihim na ikinukunsidera nila si Ang na armed and dangerous. 

Kumpiyansa naman si Remulla na sapat na ang P10 milyong reward sa sinumang makapagtuturo sa negosyante upang mahirapan siyang bilhin ang kanyang kalayaan.

About The Author