![]()
Overstaying na sa Amerika si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, na umalis sa bansa noong Nov. 11, 2025.
Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maari nang i-deport si Bonoan na mahigit dalawang buwan nang nananatili sa US.
Matatandaang umalis sa bansa si Bonoan sa gitna ng imbestigasyon sa flood control scandal upang samahan ang kanyang maybahay na magpagamot.
Ayon sa Bureau of Immigration, batay sa liham na isinumite ng dating kalihim sa pamamagitan ng kanyang abogado, Dec. 17, 2025 ang nakasaad na petsa ng pag-uwi nito sa Pilipinas.
Kabilang si Bonoan sa mga dating opisyal ng pamahalaan na isinasangkot sa mga katiwalian sa flood control projects.
