![]()
Ibinabala ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Ping Lacson na mananatili ang culture of corruption sa bansa kung hindi mapapanagot ang lahat ng sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Sinabi ni Lacson na nauunawaan niya ang resulta sa survey na kaunti lamang ang naniniwalang kaya ng gobyerno na habulin ang mga big fish sa iregularidad.
Sinabi ni Lacson na ang dapat ginagawa ng gobyerno ay underpromise subalit overdeliver hindi ang kabaligtaran.
Tinukoy ng senador ang paulit-ulit na pangako ng ilang opisyal ng gobyerno ng petsa kung kailan may makukulong na malaking personalidad subalit hindi naman nangyari.
Sa ganitong paulit ulit anyang pangako na napapako ay marami na ang mawawalan ng kumpiyansa.
