![]()
Iginiit ni Senador Francis Kiko Pangilinan sa mga kapwa senador na simulan na asap o as soon as posible o sa lalong madaling panahon ang pagdinig sa anti political dynasty bills.
Kabilang sa mga naghain ng panukala si Pangilinan gayundin sina Senador Robin Padilla, Bam Aquino, Joseph Victor Ejercito, Panfilo Lacson at Senadora Risa Hontiveros. Ayon kay Pangilinan, kung walang political dynasty ay hindi naghihirap ang Pilipinas.
Napapanahon na anyang patunayan napara maging maunlad ang bansa at ang susunod na magiging pangulo ay hindi kabilang sa political dynasty.
Ipinaliwanag ni Pangilinan na sa February ay 39 taon na ang 1987 Constitution subalit deadma lang ang ilan sa utos na bawal ang political dynasty. Ipinunto pa ni Pangilinan ang isinagawang Ledac noong nakaraang buwan ng Disyembre ay isinama ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang Anti Political Dynasty bill sa priority ng administrasyon ngayon taon 2026.
Kayat iginiit ni Pangilinan sa liderato ng senado na simulan na ang pagdinig ukol dito dahil hindi na bebenta sa taumbayan ang pagpapaliban dito at nakamasid na sila ngayon sa galaw ng mga opisyal ng gobyerno.
