![]()
Walang nakikitang hadlang si Senate President Vicente Tito Sotto III sa pagsasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee ng pagdinig kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects kahit naka-break pa ang Kongreso.
Sinabi ni Sotto na may kapangyarihan ang mga senador na chairman ng mga kumite na magsagawa ng imbestigasyon sa gitna ng congressional recess.
Bukod dito, may motu propio powers din ang Senate Blue Ribbon Committee para sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
Ang pahayag ni Sotto ay kasunod ang anunsyo ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na magpapatuloy na ang imbestigasyon ng kumite kaugnay sa flood control mess sa January 19 kahit ang resumption ng session ay sa January 26 pa.
Kabilang sa target na pagtuunan ng pansin ni Lacson sa pagdinig ang napaulat na planong pagbawi ng testimonya ng ilang dating opisyal ng DPWH na nagturo sa ilang senador at iba pang pulitiko na tumanggap ng komisyon sa mga proyekto.
Ipatatawag sa pagdinig sina dating DPWH Secretary Manny Bonoan, dating Cong Zaldy Co at dating DepEd Undersecretary Trygve Olaivar na maaaring ipaaresto kung hindi muli sisipot.
