![]()
Naghain sa International Criminal Court o ICC ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng joint medical report upang igiit na lalong lumala ang kalusugan ng dating Pangulo, kaya pansamantala muna itong palayain mula ito sa pagkakakulong.
Ayon kay Atty,. Nicholas Kaufman, ang ulat na inihanda ng kanilang sariling medical experts ay isinumite sa icc pre-trial chamber kalakip ng labindalawang-pahinang mosyon na may petsang Enero a-nuwebe.
Batay sa medical report, wala ng kakayahang magplano, magdesisyon nang mabilis, at wala na ring sapat na pisikal na lakas ang dating Pangulo.
Dagdag ni Kaufman, wala rin umanong nakitang indikasyon ng pagiging agresibo o manipulasyon ang alinman sa mga defense experts at maging ang mga expert na itinalaga ng icc.
Giit pa ng kampo ni Duterte, ang umano’y paghina ng kanyang cognitive at physical condition ay nagpapawalang-bisa rin sa posibilidad na makagawa pa siya ng krimen o makatakas mula sa kustodiya.
Hiniling ng depensa sa ICC na maglabas ng kautusan para sa interim release ni Duterte, alinsunod sa umiiral na mga kondisyon at karagdagang panuntunang maaaring itakda ng korte.
