![]()
Upang matiyak na hindi masayang ang pera ng taumbayan, kailangang random na suriin sa mismong lugar ang mga proyekto ng gobyerno.
Ito ang iginiit ni Senador Erwin T. Tulfo sa gitna ng pagsuporta sa pagbuo ng Joint Congressional Oversight Committee upang subaybayan ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto na pinondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).
Sinabi ni Tulfo na hindi lang dapat umasa sa report ng secretary at ng mga director kundi dapat tiyaking may tao sa mismong lugar ng proyekto para magsagawa ng random checks.
Binigyang-diin ng senador na nakita naman na ng lahat kung paano tinatakpan ng mga regional director ang mga district engineer at kung paano kahit ang mga kalihim ay maaaring sangkot.
Ipinaalala ng mambabatas na kagagaling pa lamang ng bansa sa 2025 na talagang winaldas ang budget kaya’t kailangang makatiyak na hindi na ito mauulit at mapupunta sa tama ang pera ng taumbayan.
