dzme1530.ph

Utang ng Pilipinas, lumobo sa 17.65 trillion pesos as of November 2025

Loading

Lumobo sa panibagong record-high ang utang ng Pilipinas, hanggang noong katapusan ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa gitna ito ng patuloy na pangungutang ng gobyerno para masuportahan ang budgetary requirements.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, pumalo sa 17.65 trillion pesos ang outstanding debt ng national government.

Mas mataas ito ng 0.49% o 85.84 billion pesos mula sa 17.56-trillion peso level, as of October 2025.

Inihayag ng treasury na “consistent” ang naturang halaga sa full-year borrowing program, kahit lagpas ito sa debt ceiling na 17.35 trillion pesos para sa taong 2025.

 

About The Author