dzme1530.ph

Gobyerno, dapat mas maging determinado sa pagresolba sa mga katiwalian

Loading

Sa pagpasok ng bagong taon, dapat mas maging determinado ang gobyerno at puspusang kumilos upang tugunan ang mga isyu ng katiwalian sa bansa.

Ito ang iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo Ping Lacson sa pagsasabing mas gising na ngayon at mas galit ang publiko sa gita ng mga nabunyag na iregularidad.

Nangako naman si Lacson na muling magiging aktibo at gagawin ang lahat ng makakaya upang makagbigay ng impormasyon sa publiko sa mga maiimbestigahan at masasaliksik nila na isyu ng korapsyon.

Umaasa si Lacson na hindi mag-aalinlangan o magiging urong-sulong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa paglaban sa katiwalian sa naglalabing ilang taon ng kanyang panunungkulan.

Aminado si Lacson na matapos ang patutsada ng Pangulo sa kanyang SONA na ‘Mahiya naman kayo’ ay inakala niyang nasa panig na ng gobyerno ang momentum.

Subalit hindi pa rin  anya maganda ang pananaw ng publiko sa pangulo matapos ang bumabang trust rating nito sa mga survey.

About The Author