![]()
Itinanggi ng Office of the Special Assistant to the President, o OSAP, na may papel ito sa pagtukoy ng mga proyekto o line-item sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Special Assistant to the President Antonio F. Lagdameo Jr., walang line-item authority ang OSAP at hindi ito isang implementing agency o nagtataglay ng teknikal na mandato upang magplano, pumili, o magtakda ng mga prayoridad sa proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng DPWH.
Paglilinaw ito ng OSAP kasunod ng mga kumakalat na ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang tanggapan sa tinatawag na “DPWH files,” na aniya’y maling impormasyon at nagbibigay kalituhan sa publiko.
Binigyang-diin ni Lagdameo na walang kapangyarihan o impluwensiya ang OSAP sa internal budget processes ng DPWH, at nanawagan laban sa walang basehang paratang na hindi dumaan sa beripikasyon at due process.
