![]()
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa mga Pilipino na manaig ngayong 2026 ang disiplina at katapatan upang makatulong na makamit ng bansa ang kaunlaran.
Sa kanyang New Year’s message, sinabi ng Pangulo na ang pagdating ng panibagong taon ay panahon para suriin ang sarili at naging pakikitungo sa iba.
Umaasa si Marcos na makakasulong ang mga pinoy nang may malinaw na pang-unawa at magkaroon ng renewed commitment para sa pagtatatag ng kinabukasan na hinulma hindi lamang ng sirkumstansya, kundi sa pamamagitan ng determinasyon at kaliwanagan sa sama-samang layunin.
Tiniyak din ng punong ehekutibo sa publiko ang commitment ng administrasyon na tuloy-tuloy na isusulong ang bagong pilipinas para pagyamanin ang pagkakaisa at malasakit at ipagmalaki ang husay ng ating mga kababayan.
