![]()
Hinikayat ang mga deboto ng itim na Poong Nazareno na lumahok sa taimtim na thanksgiving procession, mamayang gabi.
Sinabi ni Father Robert Arellano, spokesperson para sa Nazareno 2026, na huwag kalimutan na maging banal din ang bawat gawain dahil ang kanilang mga gampanin ay mga espiritual na aktibidad.
Idinagdag ni Arellano na makikita ang ganda, husay, at kaayusan, depende sa disiplinang ipinakikita ng mga deboto.
Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, inaasahang tatagal ang prusisyon ng dalawa hanggang tatlong oras.
Inihayag naman ni Quiapo Church technical adviser Alex Irasga na sa halip na hahatakin ng lubid, ilalagay ang imahen ng Hesus Nazareno sa carosa na nakakabit sa truck. | Via Lea Soriano-Rivera
