dzme1530.ph

Delay sa pagsasabatas ng budget bill, walang epekto sa ekonomiya

Loading

Walang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang ilang araw na delay sa pagpirma ng Pangulo sa 2026 national budget.

Ito ang iginiit ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian kasunod ng paglagda ng bicameral conference committee sa bicam report ng 2026 General Appropriations Bill.

Una nang sinabi ng Malakanyang na sa January 5 natakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2026 national budget.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na wala namang mahalagang government activity bago naturang petsa lalo’t holiday ang unang dalawang araw ng taon.

Muling iginiit ng senador na mas mabuti nang mapag-aralang mabuti ng Malakanyang ang panukalang budget bago lagda at maipatupad.

About The Author